Walang fishing ban ngayon sa Palawan – PDRRMO

Hindi pa umano ipatutupad ang fishing ban sa lalawigan ng Palawan, ayon kay Palawan PDRRMO Head Jerry Alili.

Ito ay kahit may namataan o spotted oil sa karagatan ng hilagang bahagi ng probinsya simula nakaraang Linggo.

Paliwanag ng opisyal sa briefing ng Laging Handa, wala pa umanong significant ang dami o volume ng langis na namataan sa mga baybayin.

Sa kabila nito, patuloy ang assessment sa mga naapektuhang seaweeds farmers para sa inaasahang tulong sa mga ito.

Una rito, kumuha na ng sample ang mga tauhan ng DENR upang i-check ang water quality sa mga munisipyo sa norte ng Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *