Nais ng Senado na mabigyan ng tax incentives ang lahat na mga mamumuhunan sa industriya ng asin sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1870 o ang Act Strengthening and Revitalizing the Development of the Salt Industry in the Philippines.
Ayon kay Senador Loren Legarda, layunin ng panukala na mabawasan ang pagdedepende ng bansa sa pag-aangkat ng asin.
Isa rin umano itong paraan para muling sumigla at lumago ang pag-aasin sa ilang mga lugar sa bansa.
Giit ng senadora, malaki ang potensiyal ng salt industry sa paglago ng ating ekonomiya.
Sa kasalukuyan, 93% ng suplay sa asin sa bansa ay inaangkat o katumbas ng 550,000 metric tons.