Higit P 281 million na ayuda, ipinamahagi ng DOLE 12 sa Labor Day

KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood grants ang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa 47,079 na mga benepisyaryo sa rehiyon sa pagdiriwang ng Labor Day. Ito ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD program at DOLE Integrated Livelihood Project o DILP na may layuning matulungan ang mga underemployed, displaced at disadvantaged workers.

Makikinabang sa P 208.7 million na TUPAD grant ang 44, 810 na mga indibdiwal. Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance para sa mga underemployed, self-employed o displaced worker sa informal sector.

Ang mga ito ay magtatrabaho sa loob ng 10 hanggang 90 diyas. Samantala, 2,669 naman ang benepisyaryo ng DILP o Kabuhayan Program. Ang mga ito ay makakatanggap ng P 72.5 million na kabuuang halaga ng grant sa pamamagitan ng starter kits, cheke at certificate of availment.

Ang ika-122 na Labor Day Celebration ay may temang “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama sa Pag-asenso”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *