𝗖𝗒𝗑𝗦𝗧π—₯π—¨π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗒𝗣𝗦

Timbog ang isang construction worker sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Cauayan City Police Station at PDEA sa Barangay District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan sa PNP Cauayan, ang suspek na hindi na pinangalanan pa ay 23-anyos, binata, at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula rito ang isang sachet ng hinihinalang β€œshabu” na tumitimbang ng 0.07 grams at nagkakahalaga ng P1,000 kung saan nakuha rin mula rito ang isang libong piso na ginamit na buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP Cauayan ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *