Pinapayuhan ng Philippine Statistic Authourity o PSA Olongapo ang mga may gagawing transaksyon na magpatala muna online bago pumunta sa opisina.
Ito ay para malimitahan ang pagdagsa ng tao at maiwasan ang transmission ng corona virus disease.
Ayon sa PSA mas makakatulong na mayrong appointment dahil hindi na kailangan pumila ng matagal para makaproseso ng mga dokumento.
Samantala, buksan lamang ang appointment.psa.gov.ph para makakuha ng appointment.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO