Albay 1st district Representative Edcel Lagman nagpaalala sa mga kasamahang mambabatas huwag masanay na mag-appoint na lamang ng minority leader na katuwang ng majority leader

LEGAZPI CITY – Nagpaalala si Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa mga kasamahang mambabatas na huwag masanay na mag-appoint o magtalaga na lamang ng minority leader na katuwang ng majority coalition.

Ayon sa Kongresista, hinihikayat nito ang papasok na administrasyon na huwag ipagpatuloy ang pakana ng mayorya ng pamunuan ng pagpapahid ng isang Pinuno ng Minorya sa Kapulungan ng mga Kinatawan bilang pandagdag ng mayoryang koalisyon.

Kasunod na rin ito ng paghahanda ng Mababang Kapulungan sa pagbubukas ng 19th Congress.

Diin pa ng independent minority solon, binoboto ng miyembro ng minorya ang kanilang magiging minority leader.

Aniya, dapat hayaan ang critical dissent at irespeto ang pagiging independent ng minority representatives kahit maliit lamang ang bilang ng mga ito.

Batay sa House rules ang mga mambabatas na bumoto sa mananalong Speaker ang bubuo sa majority bloc habang ang mga bumoto sa hindi nanalong kandidato sa pagka-speaker ang bubuo sa minorya.

Sa ngayon, ilan sa mga political parties at kilalang miyembro ng Kamara ang nagpahayag na ng pagsuporta sa speakership post ng kasalukuyang Majority Leader na si Leyte Representative Martin Romualdez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *