Aabot sa 134 vote counting machine ihahatid sa 54 na barangay sa Daraga, Albay

LEGAZPI – Isinagawa ngayong araw na umaga ang Final testing and Sealing ng mga Vote Counting machine (VCM) sa mga polling precints sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Rodol Ramirez, Comelec Municipal head ng Daraga, ihahatid na ngayon araw ang mga VCM sa 54 na barangay ng nasabing bayan. Nasa 134 na VCM ang kanilang dadalhin upang makapagsagawa ng Final Testing at Sealing ng VCM.

Layunin nito ay para matiyak na tama o accurate ang inilalabas na VCM base sa kanilang mga ibinubutoto ng mga mamamayan. Sinabi ng opisyal, dito kasi makikita sa gagawing aktibidad ay masiguro na walang mangyayaring dayaan sa nalalapit na election.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *