Higit P900k na halaga ng shabu, nasabat sa Binangonan, Rizal

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit P900,000 na halaga ng pinaniniwalaang Shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal noong Abril 30.

Kinilala ng Binangonan Municipal Police Station ang dalawang suspek na sina Ronnel Membrebe, barangay ambulance driver at si Danilo Cado, isang mangingisda at kapwa tubong-Binangonan, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, narekober mula sa mga suspek ang nasa 138 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P938,400 kasama ang isang maliit na coin purse at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dabgerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *