Academic health break vs. suspension of classes, ipinaliwanag ng DepEd-Bicol

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Regional Information Officer ng Kagawaran ng Edukasyon ang tinatawag na “academic health break” na bukambibig ngayon ng mga mag-aaral pati na rin ng ibang guro.

Sa isang panayam sa tagapagsalita ng Kagawaran na si Mayflor Marie Jumamil, sinabi nito na kaparehas lamang ito ng E.O. 66 at ng DepEd Order no.14 series of 2021 o ang pasususpendi ng mga klase at trabaho sa mga government offices sa panahon ng bagyo, pagbaha, at iba pang kalamidad.

Ipinapaubaya umano sa mga lokal na pamahalaan ang desisyon at pag-aanunsyo ng kanselasyon ng mga klase.

Napapaloob din sa DepEd Order ang pagsususpinde ng klase dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, dahil naaayon din naman ito sa guidelines ng IATF.

Malinaw din na binanggit sa nasabing panayam na ang suspension of classes ay sumasakop sa parehong blended learning at mga eskwelahang nagkakaroon na ng pilot face to face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *