Kaso ng COVID-19 sa Bicol sumampa na sa mahigit 56K makaraang madagdagan ng 453 mga bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Nakapagtala ng 453 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol Region kahapon  batay sa inilabas na ulat ng Department of Health.

Sa naturang  bilang 156 dito ang naitala sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 72 sa mga ito ang mula sa Naga City; 17 sa Pili; walo sa Iriga City; anim sa Canaman; apat sa Baao, Calabanga, Garchitorena, Ocampo at Pamplona; tatlong kaso naman ang naidagdag sa Libmanan, Nabua, Ragay at Sipocot; dalawa sa Bula, Lupi, Milaor at Minalabac habang may tag-iisang kaso ang Bato, Buhi, Camaligan, Caramoan, Goa, Magarao, Pasacao, Presentacion, Sagñay, San Fernando, Siruma, Tigaon at Tinambac.

Nadagdagan naman ng 136 na mga bagong kaso ang lalawigan ng Albay kung saan 41 sa mga ito ang mula sa Legazpi City; 22 sa Sto. Domingo; 14 sa Daraga; siyam sa Ligao City; walo sa Malilipot at Malinao; anim sa Camalig; lima sa Manito at Tabaco City; apat sa Rapu-Rapu; tatlo sa Guinobatan at Oas; dalawa sa Bacacay, Pio Duran at Tiwi habang may tag isa naman ang Libon at Polangui.

Nasa 73 kaso naman ng sakit ang naitala sa Sorsogon kung saan 33 nito ang mula sa Sorsogon City; siyam sa Gubat; walo sa Casiguran; apat sa Irosin at Prieto Diaz; tatlo sa Bulan at Donsol; dalawa sa Bulusan at Castilla at tag-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Juban, Matnog, Pilar at Sta. Magdalena.

Samantala, ang islang lalawigan naman ng Catanduanes ay nakapagtala ng 44 na mga bagong kaso kung saan 26 sa mga ito ang mula sa Virac; lima sa Caramoran at San Andres; tatlo sa Bato; dalawa sa Bagamanoc at Panganiban at isa sa Viga.

Naitala rin sa Camarines Norte ang 41 mga bagong kaso kahapon kung saan 12 sa mga ito ang mula sa bayan ng Daet; sampo sa Labo; apat sa Capalonga, Mercedes at Talisay; tatlo sa Jose Panganiban at isa sa mga bayan ng Basud, Paracale, San Vicente at Vinzons.

Habang ang Masbate ay mayroong tatlong kaso mula sa mga bayan ng Claveria, San Pascual at Pio V. Corpuz.

Bunsod nito, pumalo na sa 56,122 ang kumpirmadong kaso ng  COVID-19 sa Bicol kung saan 8,976 sa mga ito ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 341 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa 45,110 na ang total COVID-19 recoveries sa rehiyon habang nasa 2,036 na ang death toll makaraang madagdagan ng dalawang mga nasawi.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *