Accommodation Establishment sa SBFZ hindi muna tatanggap ng guest mula NCR

Nag-abiso na ang Subic Bay Metropolitan Authority sa publiko kaugnay sa hindi muna pagtanggap ng guest ng mga accommodation establishments sa Freeport area mula sa National Capital Region.

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa NCR mula August 6 hanggang 20.

Ayon kay Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, kabilang dito ang mga manggagaling sa Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Ang mga turista namang nasa mga AEs bago pa ang July 30 ay pinapayagang manatili hanggang sa huling araw ng kanilang booking pero hindi na papayagan pang mag-extend.

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin ang SBMA dahil kinakailangang sundin ang umiiral na protocol.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Power Cells Sooba HerbalMi Relieves Tired Muscles SHOP NOW! Lazada ww..n www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *