Active COVID-19 cases ng PNP, bumaba sa 30

Naiulat ng Philippine National Police na bumaba sa 30 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 kanilang organisasyon

Base sa datos ng PNP Health Service ay nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga aktibong kaso ng pambansang pulisya kabilang na ang mga nagmula sa Western Mindanao at Cagayan Valley regions.

Sinabi rin ng PNP Health Service gumaling mula sa sakit na dulot ng COVID-19 ang walong karagdagang pulis.

Sa kabila naman ng pagbuti ng kanilang sitwasyon ay hinimok ni PNP chief Police General Dionardo Carlos ang mga tauhan nito na manatiling vigilant laban sa nagpapatuloy na banta ng virus at ng ilang variants nito.

Iginiit ni Carlos na tulad nang sinabi ng mga eksperto ay hindi pa “out of the woods” ang Pilipinas.

Matatandaan na naitala ng PNP ang pinakamarami nitong bilang ng mga aktibong kaso noong September 17, 2021 kung saan ay umabot ito sa 3,216.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *