Adjusted working hours sa NCR kasado na ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang adjusted working hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inaprubahan noong Abril 12 sa pulong ng Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, at ng iba pang mga mayor ng Metro Manila.

Sinabi ni Zamora na mayroong mahigit 100,000 empleyado ng LGU ang bibiyahe sa kanilang mga pinagtatrabahuan ng isang oras na mas maaga kaysa sa mga regular na commuters at motorista kapag rush hour.

Sa kabila ng bagong schedule, binanggit ng alkalde na may kalayaan pa rin ang bawat LGU na magpatupad ng sarili nitong flexible time schedules.

Ipinaliwanag ng MMC na ang 7 a.m. hanggang 4 p.m. working hours ay tiyak na magpapagaan ng pagsisikip sa mga kalsada sa Metro Manila dahil nangangahulugan ito na ang mga manggagawa ng gobyerno ay magkakaroon ng oras upang ayusin ang kanilang oras ng pagbiyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *