Tropa ng mga pusa, ni-raid ang ref ng kanilang fur mom

VIRAL ngayon ang kakaibang pagbabayanihan ng tropa ng mga pusa para ma-raid ang refrigerator at matangay ang pagkain ng kanilang fur mom.

Makikita sa CCTV ang dalawang pasimunong pusa at nagawa pa ng mga itong pumasok sa loob ng ref habang nagsilbi naman na tila lookout ang iba pa.

Napa-split pa ang legs ng isang pusa para mabuksan lang ang ref.

Ang isang pusa na tila mastermind ng tropa ay nakakuha ng isda ngunit ipinagdamot niya ito sa mga kasamahan.

Kwento ng fur mom na si Anne Alegato, nakita na lamang niya na bukas ang ref at simot na ang tira nilang sardinas.

Ilang beses na umanong nang-raid ng ref ang kaniyang mga alaga. Katunayan, sila pa ang dahilan kung bakit siya nag pa-install ng CCTV.

Paglilinaw ni Alegato, hindi gutom ang kanyang mga alagang pusa at spoiled pa nga sa pagkain ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *