AFP at PNP – tiniyak ang suporta kay Pangulong Marcos

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kanilang suporta para kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay sa harap ng paghimok ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa AFP na i-withdraw na ang kanilang suporta sa administrasyon – bagay na pinaniniwalaan niyang makatutulong para magkaroon ng kapayapaan at katatagan sa Pilipinas.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang mga Pilipinong sundalo, piloto, at marines ay committed sa kanilang mandato na ba bantayan ang soberanya at teritorial integrity ng Pilipinas.

Tungkulin aniya nila na ingatan ang bawat Pilipino, at mapanatili ang rule of law sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *