Hindi na muna itutuloy ng MMDA ang panghuhuli at paniniket sa mga e-trikes at e-bikes na daraan sa mga national roads sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA – uunahin na raw muna nila ang pagkakaroon ng information drive.
Tatagal naman ito hanggang bukas.
Ibig-sabihin, sa araw ng Miyerkules ay mag-uumpisa na raw silang manghuli.
Sa kabila nito – nilinaw ng MMDA na bawal pa ring dumaan sa national roads ang mga ito.
‘Yun nga lang, ‘di pa sila manghuhuli, at maninita pa lamang.