AFP, kinilala ang naging maagap na aksyon ng Philippine Navy nang tangkain ng China na i-block ang resupply mission sa Ayungin Shoal

Muling kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar na nagkaroon ng pagtatangka ang China Coast Guard at militia na harangin ang resupply mission ng ahensya, ngunit hindi ang mga ito naging matagumpay.

Sa kabilang ng panghaharang, sinabi ni Aguilar na nagawa nilang maging maayos at ligtas ang kanilang rotation at reprovision mission.

Paliwanag pa nito, talagang sinundan sila ng CCG, ngunit naging maagap ang Navy ng Pilipinas na naroon mismo sa BRP Sierra Madre, at sila ang humarang at sumunod sa RFIV.

Sa huli, sinabi ng opisyal na walang nangyaring bombahan ng mga water cannons sa lugar, hindi gaya ng naganap na insidente noong unang linggo ng Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *