AICS evaluation ginawa sa Naga City; pay out itinakda sa Sabado

NAGA CITY – Isinagawa sa City Hall kahapon ng mga personahe ng Department of Social Welfare and Development Office –Camarines Sur ang pag evaluate sa mga posibleng maging benepisyaryo ng cash assistance sa ilalim ng AICS o ang Assistance To Individual In Crisis Situation.

Katulong sa evaluation ay sina Annabelle Vargas ang head ng City Social Welfare and Development Office ng Naga City.

Mula sa Barangay Concepcion Grande at Concepcion Pequeña ang tinutukan kahapon, bukod sa mga barangay na napuntahan na.

Ipinaliwanag sa mga ito ang mga requirements na dapat maisumite kabilang na ang identification card o kaya voter’s registration certificate.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Vargas, sinabi nito na ang sinumang makakapasa sa evaluation ay tatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng ₱3,000.00

Sundin lang aniya ng mga benepisyaryo ang mga alituntunin, para makuha nila ang naturang halaga sa darating na Sabado June 3, 2023

Noong pang nakaraang linggo, nag-iikot na mga barangay ang mga taga DSWD para makita personal ang totoong kalagayan ng mga magiging  benepisyaryo.       

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *