₱20M halaga ng tabla, nakumpiska sa Lipa City, Batangas

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ang nasa ₱20 million na halaga ng tabla na walang kaukulang dokumento sa Lipa City, Batangas.   

Ayon sa report, isinagawa ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) – Lipa at National Bureau of Investigation (NBI) CALABARZON ang operasyon kung saan nadiskubre ang mga tabla na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng mga furnitures.

Walang maipakitang kaukulang permit ang may-ari nito na hindi na pinangalanan.

Hinahanda na ang kasong isasampa sa may-ari ng mga tabla particular ang paglabag sa Section 77 ng P.D. 705 o Revised Forestry Code.

Ang pagkakumpiska sa naturang mga undocumented lumbers ay resulta umano ng mas pinaigting na pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya at otoridad para malabanan ang iligal o hindi otorisadong transportasyon ng mga forest products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *