Aktibidad kaugnay ng End Stunting Now advocacy ng Brigada group of companies na isinagawa sa Barangay Pamurayan naging matagumpay; mahigit 100 mga bata benepisyaryo ng programa

Umabot sa mahigit 100 mga bata ang nabigyan ng libreng checkup, mga gamot at vitamins sa ilalim ng End Stunting Now activity ng Brigada News FM Sorsogon na ginanap kahapon sa Barangay Pamurayan, lungsod ng Sorsogon.

Isinailalim naman sa seminar ang kanilang mga magulang sa tulong ng Provincial Nutrition Council kung saan nagbigay ng lecture ang Nutritionist Dietician at pinuno ng tanggapan na si Grace Jardin at Nutrition Officer I Rhea Prades.

Nakatuwang naman sa pagbibigay ng libreng checkup si Dr. Celemente Bailon Jr ng City Health Office RHU West District at Dr. Clodualdo Hibo, Brgy. Chairman ng Colambis, Casiguran, Sorsogon.

Pinasaya naman ang aktibidad ng unlimited cotton candy at ice cream na inisponsor ng barangay sa pamamagitan ni Barangay Chairman Arles Janaban at libreng snacks at tanghalian mula naman sa J&T Express na mas  naging exciting pa ng mamamahagi ng cash gifts.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang Brigada News Fm Sorsogon sa lahat ng mga indibidwal, organisasyon at stake holders na nagbahagi ng kanilang suporta at tulong para sa katuparan ng aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *