Albay PTCAO, patuloy na naghahanda sa pagbabalik ng Magayon Festival; tourism activities, nakalatag na

LEGAZPI CITY – Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Albay Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) para sa pagbabalik ng selebrasyon ng Magayon Festival sa Mayo 8 hasta 21 kan bulan nin Mayo.

Ayon kay PTCAO Head, Dorothy Colle, naghahanda na ang mga organizers ng bawat isasagawang aktibidad para sa nasabing pagdiriwang.

Dagdag pa niya, naka-cluster ang mga aktibibad at isa na rito ang tourism activities na naglalayong hikayatin ang mga turistang bumisita sa lalawigan.

Aniya, kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang Mayon 360 Ultra Marathon at dance sport competition na bukas nationwide.

Sa ngayon, ayon sa ahensya, ang mga aktibidad na ito na ay nakaangkla at may layon na maitampok ang turismo at kultura ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *