Albay Gov. Lagman, binigyang-diin na hindi pagkain ang problema para sa mga Mayon evacuees kundi pasilidad sa evacuation centers

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman na hindi naman pagkain ang pinoproblema para sa bakwit ng Bulkang Mayon kundi ang mga pasilidad sa evacuation centers.

Ayon sa gobernador, ang water, sanitation and hygiene (WSH) ang pangunahing mga isyu na dapat masolusyonan sa bawat evacuation center sa lalong madaling panahon.

Aniya, normal ang mga suliraning ito sa mga evacuation centers sa anumang kalamidad at hindi naman umano masyadong problema ang pagkain.

Katunayan dito, noong nagpaabot ng tulong ang UAE, tiniyak umano ng ambassador na tutulong pang muli ito at ayon kay Lagman, siya na ang makikipag-ugnayan dito kasama ang APSEMO upang hilingin na hygiene packs na ang ipaabot.

Subalit hindi lamang umano ito ekslusibo para sa UAE kundi para na rin sa lahat pa na mga tutulong sa mga evacuees, nakapokus sila sa WSH at hygiene packs ang pinakalubos na kinakailangan.

Samanatala, dagsa pa rin naman ang mga duramating na tulong sa lalawigan kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon na mula sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, non-government organizations (NGOs) at mga pribadong donors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *