Bilang ng Mayon evacuees sa Daraga, Albay, nasa mahigit 3,000 na

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 3,287 katao ang kasalukuyang nasa evacuation center sa bayan ng Daraga, Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Batay sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nasa 925 na pamilya ang nailikas na mula sa apat na mga barangay sa bayan.

Ang mga bakwit ay mula sa mga barangay ng Matnog, Mi-isi, Bañadero at Budiao na kasalukuyang nananatili sa Daraga Evacuation Center, Anislag Relocation Site Phase 1, Anislag Relocation Site Phase 3 (Budiao Elementary School), Daraga Relocation Site Phase 1 (Baldo 1), Anislag at Gabawan Elementary School.

Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng lokal na gobyerno ng nasabing bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga bakwit na apektado sa abnormalidad ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *