Albay, may pinakamaraming approved slots sa TESDA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Bicol na ang lalawigan ng Albay ang may pinakamaraming approved slots sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay TESDA Specialist 1 Regional Information Officer Lieanne Idjao, sinabi nito na umabot sa 8,077 ang approved slots sa lalawigan ngayong 2024.

Ayon pa sakanya, sunod sa Albay ang Camarines Sur at Camarines Norte.

Samantala, umabot naman sa 14,385 ang naitalang approved slots sa buong rehiyon ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *