Alegasyong binantaan lang si Espinosa, iimbestigahan ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police na handa ito sa pagsasagwa ng imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ito ang tiniyak ni PNP PIO chief Brig. Gen. Roderick Alba matapos ang ginawang pagbawi ni Espinosa sa kanyang mga testimonya.

Sa ilalim kasi ng counter-affidavit ni Espinosa, kanyang sinabi na walang katotohanan ang kanyang testimonya na naguugnay kay Senadora Leila de Lima sa iligal na droga.

Ayon dito, pinressure at tinakot lang ito ng mga pulis para idiin ang mambabatas.

Ayon kay Alba, sa ngalan ng hustisya ay handa silang magsagawa ng imbestigasyon kung totoo ba ang mga bagong pahayag ni Espinosa.

Aniya, bagamat sa ngayon ay wala pa silang natatanggap ng kopyang counter-affidavit ni Espinosa, makasisiguro ang concerned parties na ‘committed’ ang hanay ng Kapulisan na malaman ang katotohanan.

Sa huli, sinabi ni Alba na ngayong nasa Korte an ang mga kaso, irerespeto at hahayaan nilang gumulong ang sistema ng hustisya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *