Batas na nagdedeklara sa Mt. Arayat bilang protected area, nilagdaan ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas ni Pampanga 3rd district Congressman Dong Gonzales, na nagdedeklara sa Mt. Arayat bilang protected area.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11684 o ang Mt. Arayat Protected Landscape act (MAPL), binibigyan nito ng kapangyarihan ang National government sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR pati na ang provincial government ng Pampanga, at ang mga munisipyong nakakasakop sa Mt. Arayat partikular ang Arayat at Magalang na ma-conserve at ma-preserve ang natural resources ng bundok, at ma-promote ito bilang tourist destination.

Inootorisa rin ng batas ang DENR na magtakda ng buffer zone bilang karagdagang proteksyon sa Mt. Arayat.

Sakali namang may maapektuhang mga private lands ang itatakdang buffer areas, kailangang sundin ng mga ito ang MAPL plan sakaling i-develop nila ang kanilang lugar.

Kabilang na rin ito sa popondohan ngayon ng DENR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *