Alert level 2 sa Cauayan City, pinalawig; 2 pasahero kada tricycle, pinayagan na

Pinalawig ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang COVID-19 Alert Level 2 sa lunsod hanggang December 15, 2021.

Ito ay batay sa inilabas na Executive order No. 86-2021 na inilabas ng LGU-Cauayan City.

Ayon sa nasabing ordinansa sa Section 9, kasabay ng pagtanggal ng number coding scheme ay pinapayagan na ang dalawang pasahero sa isang tricycle ngunit kinakailangang sumunod pa rin sa minimum public health standards.

Habang ang pamasahe naman ay kinakailangang nakasunod pa rin ito sa EO 2018-195 Section 18.

Mananatili naman ang green lanes para sa mga biyaherong darating sa lunsod via land travel o inbound flights at kinakailangan lamang magprisinta ng vaccination card. 

Sa mga fully vaccinated individuals naman na papasok sa mga establishimentong pinapayagang mag-operate ay marapat lamang na iprisinta ang vaccination card at valid ID.

Samantala, ang iba pang panuntunan sa ilalim ng Alert level 2 ay mananatili gaya ng 10:00 pm – 4:00 am curfew hours; 50% indoor venue capacity sa mga establishmento para sa fully vaccinated individuals at 70% outdoor venue capacity sa mga bakunado man o hindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *