Alert levels sa bansa, dapat nang tanggalin – Concepcion

Iminungkahi na umano ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion kay President-elect Bongbong Marcos na alisin na ang mga ipinatutupad na alert levels sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Concepcion na mas makabubuti raw kung magkaroon ng review sa guidelines ng pandemic restrictions na kasalukuyang pinaiiral ng IATF.

Aniya, kung siya ang tatanungin, maari na itong tanggalin at ibalik na lamang kung magiging delikado ang pandemic situation sa Pilipinas.

Naniniwala rin si Concepcion na dapat nang mag-‘transition out’ sa state of public emergency para raw ang nararanasang ‘burden’ o pasakit ay hindi lamang sa gobyerno babagsak..

Sa huli aniya, ang mahalaga pa ring bantayan ay ang hospital capacity dahil sa ngayon ay nagkakatalo pa rin pagdating sa pagpapatupad ng mga lockdowns sa bansa.

Bago ito, una nang inirekumenda ng Health officials na huwag na munang i-lift ang national state of calamity dahil mawawalan na rin ng bisa ang mga ipinagkaloob na emergency use authorization sa mga brand ng bakuna.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *