Deployment ban ng OFWs sa ilang mga bansa, dapat nang alisin

Sa gitna ng patuloy na paghina ng piso kontra dolyar – nanawagan si Albay Rep. Joey Salceda na paluwagin na ang mga ipinatutupad na restrictions o ‘di kaya nama’y alisin na nang tuluyan ang mga deployment ban ng mga oversease Filipino workers sa ilang bansa.

Sa kasalukuyan kasi, nagkakahalaga na ng P54.50 ang one US Dollar.

Ayon sa mambabatas, ang pagluluwag sa pagpapadala ng mga OFWs sa ibang bansa ay isa sa mga solusyon para muling mapalakas ang piso kontra dolyar.

Iginiit din ni Salceda na ang right to migration ay isang karapatang pantao kaya naman ay dapat payagan ang mga Pilipino kung gusto nitong mangibang-bansa para mag-hanap buhay.

Maliban pa rito, masiyado raw mababa ang ipinatutupad na quota sa nurse deployment.

Samantala, maliban sa hakbang na ito, iginiit ni Salceda na ilan pa sa mga paraan para palakasing muli ang halaga ng piso ay ang pagpapalakas ng exports, at pagtutok sa BPO industry sa bansa.

Hanggang sa ngayon kasi, hindi pa rin masolusyunan ang isyu sa mga employer at workers sa BPO sector pagdating sa in-person reporting at ang opsyon na hybrid o kaya nama’y work-from-home setup.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *