Alkalde ng Naga itinanggi ang pagtanggap ng payola sa Jueteng

NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umano’y pagtanggap niya ng payola sa jueteng; ang isyu nag ugat sa sulat ni dating Vice President Atty. Leni Robredo na nakapalaman ang ilang isyung ipinabatid dito at dapat aniyang  mabigyang linaw ng opisyal.

Ang sulat na ipinadala umano sa mga miyembro ng konseho ay kumalat sa social media at naging sentro ng usapin. Ayon sa alkalde walang jueteng sa Naga, kaya hindi siya nakakatanggap,  o tatanggap ng payola sa jueteng man o sa Small Town Lottery (STL). 

Sa isyu naman ng STL, binigyan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO noong nagdaang taon ng prangkisa ang Emerald Ventures Gaming Corporation na mag-operate sa Naga/ at inalis na ng National Government ang kapangyarihan na harangin ang operasyon/. Sa isang pahina sa sulat/ 2% ang share ng alkalde o nagkakahalaga umano ng P600,000.00.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *