Senator Go, tutulong sa pagpapaunlad sa serbisyo ng SGH

KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo ng Soccsksargen General Hospital o SGH sa bayan ng Surallah.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health na sa darating na panahon, posibleng malagyan ng regional specialty center ang SGH bilang isang Department of Health o DOH hospital sa rehiyon.

Inihayag ni Go, principal author ng RA 11959 o Regional Specialty Center Act na layon nito na magtayo ng mga specialty centers katulad ng heart center, cancer center, kidney center at lung center sa bawat DOH regional hospitals.

Ito ay isang paraan upang mapalakas ang access ng mga mamamayan sa health care system lalo na sa mga pasyente na nasa labas ng Metro Manila. Kamakailan lang, pinangunahan ng senador ang pagbubukas sa Malasakit Center sa SGH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *