Alliance of Concerned Teachers: dagdag trabaho lang ang ‘Catch-Up Fridays’

Binigyang-diin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na wala silang problema sa mga hakbang na makatutulong para matugunan ang education crisis.

Sa kabila nito, sinabi ni Mr. Vladimir Quetua ng Alliance of Concerned Teachers sa Brigada News FM na dapat nang itigil ang Catch-Up Fridays dahil tila minadali ang pagpapatupad nito.

Maliban dito, iginiit ng opisyal na sana ay nailapit o naikunsulta muna ito sa mga eksperto.

Kailangan daw muna kasing alamin kung sinong mga mag-aaral ba ang nangangailangang sumailalim sa naturang hakbang.

Sa huli, sinabi ni Quetua na ang pagpapabasa ay bagay na regular naman nilang pinagagawa sa mga estudyante, kaya ang Catch Up Fridays ng DepEd ay dagdag trabaho na para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *