Ama patay matapos paluin ng dos por dos sa ulo ng kanyang anak

CAMARINES NORTE- Napatay ng kanyang sariling anak ang isang 54-anyos na lalaki dakong 11:00 ng gabi nitong nakatalikod na sabado sa Sta.Rosa St. Brgy.Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “MON”, 31 taong gulang, binata samantalang ang biktima ay nakilalang si alyas “NOLI”, 54 anyos, may asawa, pawang residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang ang biktima ay natutulog sa loob na kanilang bahay, diumano ay pinalo ng ilang beses ni “MON” ng matigas na bagay o tinukoy ng pulisya na dos por dos sa ulo nito.

Ang nasabing suspek ay pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak sa mga oras na iyon.

Ang biktima ay mabilis na dinala ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO sa Camarines Norte Provincial Hospital, Daet, Camarines Norte ngunit ito ay idineklarang dead on arrival (DOA) ng nakatalagang doctor.

Ang nabanggit na suspek ay agad na naaresto ng mga tauhan ng Paracale MPS sa kanilang ikinasang follow-up operation at kasalukuyang nasa pangangalaga na ng mga otoridad habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsampa ng kaso laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *