Anak ni DOJ Sec. Remulla, nagpasok ng not guilty plea sa kinakaharap na drug case

Nagpasok ng ‘not guilty plea’ ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na dawit sa importation ng nasa P1.3 million na halaga ng kush o high-grade marijuana, para sa drug possession charges.

Ito ang kinumpirma ni dating Quezon City congressman at lawyer Jose Christopher “Kit” Belmonte na isa sa mga abogado ni Juanito Remulla III, sa pagbasa ng sakdal para sa drug possession case kahapon.

Matatandaan na si Juanito ay naaresto noong October 11, matapos madiskubre sa posisyon nito ang halos kilogram ng kush — o hybrid ng marijuana plant.

Noong Miyerkules, dumalo si Juanito sa preliminary investigation para sa drug complaints.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *