Angeline Colonia, binasag ang records; Nag-uwi ng 2 ginto sa Asian Youth weightlifting

Binasag ni Angeline Colonia ang world at Asian records sa kanyang weight class, matapos makuha ang dalawang gold medals at silver sa katatapos pa lamang na Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Binuhat ni Colonia ang 62 kilograms dahilan para makuha ang world at Asian youth standard (61kgs) sa women’s 40kg category, habang ang kanyang combined winning lift na 134 kgs ang mulinig nagtala sa continental youth standard na 134kgs sa kabuoan.

Ang 15-anyos na weight lifter ay kapatid ni Rio De Janeiro Olympian Nestor Colonia at pamangkin ni 1988 Seoul Olympian Gregorio Colonia.

Ayon kay weightlifting chief Monico Puentevella, na ang bagong tagumpay ni Colonia ay naidagdag sa lumalaking listahan ng young Filipina weightlifting champions, na pinangungunahan ni 18-year-old Asian champion Vanessa Sarno at ang Ramos siblings na Rosegie at Rose Jean, na parehong future medal prospects sa Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *