Celeste Cortesi, ibinunyag na si Pia Wurtzbach ang kanyang ‘ultimate fave’ beauty queen

Ibinunyag ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na hindi lang favorite beauty quenn niya si Pia Wurtzbach, kundi naging inspirayson para subukan ang pageantry.

Sa kanyang unang vlog, sinabi ni Cortesi na napahanga siya sa performance ni Wurtzbach sa Miss Universe 2015.

At dahil inspirado kay Pia, sumali si Cortesi sa Miss Universe.

Ngayong taon nga, siya ang kinatawan ng Pilipinas sa naturang prestihiyosong pageant.

Una nito, kinoronahan si Cortesi bilang Miss Universe Philippines 2022, kung saan si Wurtzbach ang isa sa mga hosts sa national pageant, kasama ang kapwa Miss Universe titleholders na si Iris Mittenaere ng France, at Demi Tebow ng South Africa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *