Apat na karagdagang kaso ng COVID 19 naitala sa Bicol kahapon; 72 indibidwal naman nakarekober sa sakit

BICOL- Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng Covid 19 sa Bicol Region bawat araw.

Sa ulat ng ahensya kahapon araw ng Miyerkules, apat na karagdagang kaso ng sakit ang naitala sa rehiyon kung saan tig isang kaso ng sakit ang nairehistro sa bayan ng Daraga at Manito Albay habang ang dalawa pang nagpositibo ay nairekord naman sa mga bayan ng Caramoran at Panganiban sa lalawigan ng Catanduanes.

Dahil dito,nasa 3,092 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa rehiyon.

Wala namang naiulat na fatalities sa rehiyon kahapon kayat nananatiling nasa 1,916 ang death toll.

Samantala, mayroon namang 72 indibidwal na gumaling mula sa nasabing sakit kung saan ang mga ito ay pawang mula sa lalawigan ng Masbate.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na sundin ang bida solusyon plus sa Covid 19 para sa serbisyong sakud Bicolnon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *