Apat, sugatan matapos ang pambobomba ng CCG sa resupply boat ng bansa

Apat na crew ng resupply vessel ng bansa ang sugatan matapos bombahin ng tubig ng dalawang China Coast Guard vessels habang nasa rotation and resupply mission patungong BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Sa isang pahayag, tinuligsa ng National Security Council ang huling insidente ng pang-haharass ng China sa lehitimong operasyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa NSC, 4 na crew ng Unaizah May 4, isa sa dalawang resupply boat na patungo sa BRP Sierra Madre, ang sugatan nang mabasag ang windshield nito sa pambobomba ng water cannon ng 2 barko Chinese Coast Guard kaninang umaga.

Ang apat na sugatang crewmen ay nilapatan ng lunas sa Philippine Coast Guard vessel MRRV 4407, na nagtamo din ng pinsala matapos na unang banggain ng CCG vessel 21555.

Dahil sa pinsalang tinamo sa mapangabib na pagkilos ng CCG, bumalik sa Palawan ang Unaiza Mae 4 kasabay ang Coast Guard Vessel.

Habang nakumpleto naman ng isa pang resupply boat, ang Unaizah May 1 ang kanyang Rotation and Resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa NSC, ang mga patuloy na iligal at iresponsableng aksyon ng China ay nagpapakita na kaduda-duda ang kanilang sinseridad na ayusin sa mapayapang dayalogo sa tensyon sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *