Apela ni Quiboloy, tinawag na ‘tail wagging’ ni Pangulong Marcos

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos kay Apollo Quiboloy na magiging patas ang Pilipinas pagdating sa mga kasong kinahaharap ng KOJC leader.

Kasunod ito ng apela ni Quiboloy sa Gobyerno na dapat daw ay igarantiya nitong walang kamay ang Amerika sa kaniyang mga kaso.

Sa ambush interview – sinabi ng Pangulo na ang lahat ng mga proceedings at magiging patas, at malabo raw na mangialam pa ang Amerika.

Sa kabila niyan – sinabi ni Marcos na tila raw ay ‘tail-wagging’ ang naging request ni Quiboloy.

Bago ito – una nang sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na hindi sila maaaring mag-impose ng ano mang kundisyon ni Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *