Aplikasyon para sa civil service examination, hanggang ngayong araw pa sa Central Luzon

Pinalawig pa ng Civil Service Commission o CSC Region 3, ang aplikasyon para sa Civil Service Exam.

Sa inilabas na advisory ng ahensya, hanggang ngayong araw pa ang aplikasyon sa Robinsons Starmills sa City of San Fernando.

Ngunit paalala ng CSC na first one thousand lamang ang kanilang papayagan na makapag proseso ng kanilag aplikasyon.

Samantala, ang processing ng examination application ay magsisimula ngayong alas-otso ng umaga at magtatagal hanggang alas-singko ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *