DSWD nagbigay ng sustainable livelihoo assistance payout sa Floridablanca, Pampanga

Nagbigay ng sustainable livelihood assistance na nagkakahalaga ng P10,000.00 ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa 30 indibidwal sa bayan ng Floridablanca.

Ang pagbibigay ng nasabing assistance ay pinangasiwaan ng DSWD Regional Office, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.

Layunin nitong matulungan ang mga benepisyaryo na makapagsimula ng kanilang mga negosyo.

Samantala, ito rin umano ang hangarin ng Municipal Government na makapag simula sila ng maliit na negosyo para sa mas maayos na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *