Aplikasyon sa Bigay Trabaho Program ng DPWH Bicol nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na nagpapatuloy pa rin ang pagtanggap ng applikasyon sa kanilang Bigay Trabaho Program.

Ayon kay Justine Dayandante, Public Information Officer II ng DPWH V, layunin ng nasabing programa ang mabigyan ng trabaho ang mga local employee na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Aniya, marami kasi ang nagbawas ng empleyado sa ibat ibang kompanya sa bansa kung kayat libo-libo ang nawalan ng trabaho.

Dagdag pa nito, tanging mabebenipisyuhan lamang ng programa ay ang mga skilled workers tulad ng mason, laborer at bukas rin para sa mga OFW na nawalan ng trabaho.

Kinakailangan lamang na magsumite ng aplikasyon sa Facebook Account sa district o Regional Offices ng DPWH.

Samantalang naging katuwang din ng ahensya sa nasabing programa ang mga local contractors.

Sinabi pa ng opisyal, marami na rin ang nabigyan ng trabaho nito simula ng inilunsad ang Bigay Trabaho program nationwide nitong nakaraang buwan Setyembre 7 na pinangunahan naman ni DPWH Secretary Mark Villar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *