Archdiocese of Caceres nagpulong na para sa paparating na National Youth Day Celebration na isasagawa sa Bicol sa susunod na taon

BNFM Bicol-Pinagpaplanohan na ng Caceres Youth Commission  ng Archdiocese of Caceres katuwang ang CBCP-Episcopal Commission on Youth ang paparating na National Youth Day celebration na nakatakdang isagawa sa susunod na taong 2025.

Pinangunahan ito ni Archbishop Rex Andrew C. Alarcon, DD, na kung saan siya rin mismo ang Chairman of the CBCP-Episcopal Commission on Youth.

Ang National Youth Day Celebration ay isang programa para sa mga kabataan mula sa iba’t ibang mga Diyosesis at Arkidiyosesis sa Pilipinas na kung saan magtitipon-tipon para sa mga aktibidad pangsimbahan. ### KENNETH BERMIL

IMAGE: Caceres Youth Commission/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *