Negosyante, inireklamo ng isang sundalo matapos umano nitong hindi ibigay ang titulo ng binili nitong lupa

Inireklamo ng isang sundalo na si Alyas Jo ang negosyante at dati nitong kaibigan na si Ailyn Andos Baron, matapos umano nitong ipagkait ang legal na titulo ng lupa na binili ng sundalo mula sakanya.

Kwento ni Alyas Jo, nakaraang taon pa umano nang bilhin at bayaran nito ang nasa 180sq.m na lupain na pagmamay-ari ni Baron. Aniya, hindi pa umano nito ibinigay ang orihinal na titulo bagkos binigyan muna sya nito pansamantala ng Xerox copy.

At nang kukunin nya na nga ang titulo mula kay Baron ay tinanggi nya itong ibigay sakanya.

Hindi na umano makontak ng sundalo ang negosyante at parang Bula na lamang itong nawala tanggay ang binayad nito sa lupa at ang titulo nito.

May nakapag sabi rin umano sakanya na ibinebenta muli ni Baron ang lupaing kanya ng nabili mula rito, kaya’t ganun na lamang ang nais nyang makita ito at makaharap para magpaliwanag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *