Arraignment ni Dr. Chao Tiao Yumul na suspek sa Ateneo shooting, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 98 ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay Dr. Chao Tiao Yumol.

Si Yumol ay ang suspek sa pamamaril sa Ateneo De Manila University na ikinasawi ni dating Lamitan City Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa.

Sa pagdinig kanina, lumabas na hindi pa tapos ang medical examination para sa insanity na isinasagawa ng National Center for Mental Health kay Yumol.

Una rito’y, hiniling ng kampo ni Yumol na ipagpaliban ang nauna nang schedule ng arraignment na dapat sana’y noong August 4 matapos umanong magpakita ng mga sintomas na may mental disorder ang suspek.

Sa Oktubre pa raw matatapos ang ginagawang medical examination para kay Yumol.

Samantala, sa ika-11 ng Nobyembre muling itinakda ng korte ang arraignment kay Yumol.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *