Matapos ang dalawang lingong rollback – dagdag-bawas posible sa susunod na linggo

Dagdag-bawas ang asahang galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay makaraan ang dalawang linggong magkasunod na rollback na ipinatupad ng mga oil companies.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad – sa nakalipas na apat na araw na trading, posibleng umano ang hanggang sa tatlong pisong rollback sa kada litor ng diesel at kerosene.

Kung may rollback sa diesel at kerosene, namumuro naman ang price hike sa presyo ng gasolina.

Ayon kay Abad, maaaring madagdagan ang kada litro ng gasolina ng halos isang piso.

Ang naturang oil price adjustment ay bunsod ng mga ipinatupad na interest hikes sa mga Central Banks ng US at ng Europa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *