Arsobispo ng Maynila kasama sa mga nanguna sa installation ng bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY –Pinangunahan din ni His Eminence Arsobispo Jose F. Cardinal Advincula Jr.D.D. ng Manila bilang siyang Installing Prelate ang Installation and Canonical Possession para kay Arsobispo Rex Andrew Alarcon,D.D. bilang bagong Arsobispo ng Archdiocese ng Caceres, ngayong umaga sa Naga Metropolitan Cathedral na dinadaluhan ng matataas na mga opisyal ng simbahang katolika.

Kabilang pa sa mga importanteng bisita sa napakahalagang okasyong ito ay ang presensiya ni Archbishop Adolfo Tito Yllana,D.D. Apostolic Nuncio to Israel at ng Cyprus, pati na rin ang mga Obispo ng iba’t-ibang diocese sa buong bansa.

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News Fm Naga si Alberto Darilay, chairman ng Traffice Violation Bureau ng Public Safety Office, bahagi sila sa naatasang tumulong sa mga personnel ng Naga City Police Office para mamanteni ang katahimikan at kaayusan sa paligid. Sarado ang mga malalaking kalsada dahil sa okasyong pangsimbahang ito sa Naga City. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *