28 estudyante nahimatay dahil sa matinding init ng panahon

Hindi bababa sa 28 na estudyanye ang nahimatay dahil sa matinding init sa opening parade ng kapistahan ng bayan ng San Dionisio sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon sa San Dionisio Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kasali ang mga estudyante sa mass dance competition na bahagi ng opening parade para sa Pana-ad Festival.

Aabot sa 20 ang isinugod sa Sara District Hospital sa Karatig bayan ng Sara, Iloilo.

Samantala, inilabas na ng lokal na pamahalaan ng San Isidro ang executive order na nagsususpinde ng face to face classes noong Mayo 2 at 3 bilang pag-iingat laban sa matinding init.

Mababatid na pumalo sa mahigit 40 degree Celsius ang naranasang init sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *