ARTA, nanindigang walang pinaburang aplikasyon ng telco company

Opisyal nang naghain ng counter-affidavit ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority matapos itong hainan ng preventive suspension ng Office of the Ombudsman.

Matatandaang pinasuspinde ng Ombudsman sina ARTA Dir. Gen. Jeremiah Belgica at apat pang opisyal dahil sa ‘di umano’y iregularidad sa pag-iisyu ng frequenci ng isang telecom provider.

Sa apelang inihain nina Belgica, sinabi nitong hindi raw ARTA ang nag-approve sa aplikasyon ng isang New Major Player sa NTC.

Giit nito, wala raw sa ARTA ang kapangyarihan na magbigay ng frequency o provisional authority para sa isang kumpanya.

Aniya, hindi raw nila intensyong kuhain ang kapangyarihan ng NTC sa pagbibigay ng frequency sa NOWTel.

Paliwanag nito, nag-umpisa ang kaso nang bigyan nila ng ‘Order of Automatic Approval’ ang NOWTel.

Lumapit na raw kasi ang kumpanya sa ARTA matapos itong hindi mabigyan ng frequency ng NTC.

Depensa ni Belgica, papasok lang ang kanilang tanggapan para mapabilis ang aplikasyon ng isang kumpanya lalo na kung hindi ito naaprubahan kahit na kumpleto na ang kanilang ibinigay na mga requirements.

Bago ito, una nang sumunod ang ARTA officials sa suspension order ngunit sinabing ‘preventive in nature’ lamang ito at hindi nangangahulugang guilty na sila sa alegasyon ng katiwalian.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *