Australian authorities naalarma sa pagkakasakit ng ilang tao matapos kumain ng toxic spinach

Ikinaalarma sa larangan ng Health sa Australia ang pagkakasakit ng ilang tao na dumanas ng severe sickness at hallucinations matapos makakain ng toxic spinach.

Ayon sa report, syam na tao ang naospital matapos kumain ng spinach sa isang farm sa Costco.

Nakumpirmang kabilang sa mga naranasan ng mga pasyente ang delirium, pagtaas ng heart rate at panlalabo ng paningin.

Kaugnay nito, naniniwala ang Riviera Farms na posibleng na-kontamina ng damo ang spinach bagamat wala namang ibang produkto sa farm ang nadamay.

Inihayag ng New South Wales Health, na ang anumang packet ng spinach brand na mayroong expiration date na December 16 ay hindi na safe na kainin at dapat nang maitapon.

Hinimok din ng ahensiya ang mga residente na nakakaranas ng kakaibang simtomas matapos makakain ng spinach na agad na magtungo sa mga ospital.

Ikinatuwa naman ng mga opisyal na sa kabila ng pangyayari, wala namang naitalang nasawi sa mga biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *